Tayo'y nagtitipon upang ating hingin Pagpapala ng Panginoon natin; Masama'y hindi na humahapis sa 'tin; Papuri sa Pangalan Niya'y awitin.
Ang ating Diyos tayo'y pinapatnubayan; Pinatatatag N'ya ang kaharian; Kaya nagwawagi sa pakikipaglaban; Ikaw, O Panginoon ay kaakbay.
Lahat kami, sa'Yo Jesus, nagpupuri; Nawa'y maging Sanggalang Kang parati. H'wag Mong tulutang bayan Mo'y maduhagi; Ngalan Mo'y purihin! Palayain kami.